love... Article Summary
Summary rating: 5 stars
4 Ratings
Visits
:
127
words:
600
Published: September 10, 2007
ano ang pkiramdam NG mawalan ng minamahal??Ang iwan ang tanging taong minahal mo ng wala kang kalaban laban??Ang mawalan ng minamahal na tanging diyos lang ang iyong sandigan..Yung tipong wala kang magawa kundi umiyak at paulit ulit na tanunging Bakit siya pa...?
Nakakaiyak di ba??hindi mo alam kung kelan mawawala ang minamahal mo..maaaring mawala siya katulad sa mga sikat na maikling istorya,yung tipong sasagutin mo ang telepono at sasabihing wala na sya..pwede rin na ang eksena ay magkayakap kayo taos unti unti syang pumipikit na akala mo natutulog lang..O kaya naman naaksidente kayo habang nasa motorsiklo at pinipilt nyang isuot mo ang helmet dahil wala ng break ang sinasakyan nyo..Ilan lang yan sa mga sikat na kuwento ng pagkawala ng tao..nakakaiyak ngunit sinasabi natin na maganda ang istorya..Kalimitan naman sinasabi natin na kawawa naman siya dahil nawalan ng minamahal..ngunit naitanong mo na ba sa sarili mo kung paano kung ikaw ang nasa lugar ng nawalan,,kakayanin mo ba??
Na isip ko tuloy,napakadaya ng mga minamahal natin na bigla biggla na lang nawawala.hindi man lang sinasabi na kukunin na pala sila.Minsan din iniisip kong dapat hindi tayo magmahal ng taong sobrang bait dahil mas mabilis silang kinukuha ng diyos..nakakatawa pero minsan totoo.
Hindi rin makatarungan di ba?hindi natin alam kung saan magsisimula sa biglaan nilang pagkawala..Kung pipigilan ba ang paghinga natin o magpapakamatay tayo para makasama sila sa kabilang mundo..ngunit dapat nating isipin na ang buhay natin ay hiram lamang..Tanging ang diyos lang ang may karapatang kunik ito..
Ang isang malaking tanong ay kung ''Kaya mo pa ba?''kaya mo pa bang mabuhay at magsimula sa kabila ng pagkawala ng iyong minamahal??"ang sagot ko diyan ay OO naman..Isipin mo na lang na sa sinehan ang pinuntahan ng mahal mo at nauna lang siya para kumuha ng extra ticket at maglaan ng upuan para sa inyong dalawa..kung baga naka-book ka na..
Ang susi sa ganyang pangyayari ay ipagpatuloy mo ang iyong buhay,walang masamang magsimula..Kung may dumtaing na bagong pag-ibig at natamaan uli ni kupido,walang masamang sumubok..tao lang tayo,hindi perpektongunit hindi magandang humanap ng pag-ibig upang makalimot..dahil ang buahy natin ay parang gulong,kailangang umikot upang makita ang ganda ng takbo habang tumatagal..Malay mo isa na palang anghel ang nawala mong minamahal,nasa tabi mo ngayon,hinihimas ang iyong buhok,may ngiti sa labi at sinasabing,,''HINDI NAMAN AKO NAWALA,ANDITO LANG AKO SA TABI MO..''
More summaries about the love...