pangitain...
Mundong nababalot
ng karimlan.. kung saan mas nanaig
ang kasamaan..
mga nilalang na
nabubuhay para sa sarili
lamang at mabubuhay ng para sa srili..
kapusukan, kayamanan kapangyarihan... mga bagay na pinagmumulan ng
kadiliman.. oo tama... mga kaisipang nais makatuklas ng bagong
karunungan... karunungang nagbabadya na digmaan... digmaan sa pagitan
ng puti at itim... sadyang bilang lamang ang maaaring mailigtas... para
sa akin ang sangkatauhan ay nahahati sa dalawang relihiyon lamang...
ang relihiyon ng mabubuti at relihiyon ng masasama... ang dalawang ito
ang siyang kalahok sa digmaan.. digmaan na magdudulot ng matinding
kahirapan... kagutuman.. na siyang manunukso sa bawat nilalang na
gumawa ng kasamaan.... oo nakikita ko.. pang aabuso.. pang aapi... pag
apak sa katauhan ng isa''t isa.. maraming pagdanak ng dugo at
nakababaliw na mga panaghoy... panawagan para humingi ng tulong...
naririnig ko!!... ngunit di
ko makita.... sapagkat nababalutan ng dilim
ang buong paligidna unti unti ding sumasaklob sa aking pagkatao!!! may
dugo?!... alam kodugo ito dahil sa malansang amoy... pumatak sa aking
mukha ... paglaon ng mga oras mas dumarami ang mga panaghoy... kalunos-
lunos... kahabag habag.... di nagtagal.. sa di kalayuan.. may munting
liwanag... liwanag na kahit mumunti lamang ay nagbibigay tanglaw... at
nakita ko ang nilalang na busilak sa kaputian ang kasuotan...hindi ko
alam kung bakit pero lahat ng tao... lahat ng may buhay na nasa paligid
ay nag uunahan para makalapit sa nilalang na iyon...sinubukan ko ring
lumapit.. hindi mko inalintana ang aking dinaraanan at ang aking mga
naririnig...ang tanging nasa isip ko lamang ay ang makalapit sa kung
sino mang misteryosong nilalang na iyon... hanggang sa nkta ko na
lamang na unti unti siyang naglalaho...nagdasal
ako ng bung taimtim...
hindi ko alam kung bakit pero nagdasal ako..mayamaya ay nakita ko ang
mukha ng misteryosong nilalang na nakangiti sa akin...ngunit sa isang
iglap ay nawala na siya.. nabigo ako ngunit ang mga ngiting ibinigay
niya sa akin ay nagbigay sa akin ng pag- asa... mayamaya lang ay muli
na namang nabalot ng dilim ang buong paligid... muli ko na nanamang
naririnig ang mga panaghoy... mga tunog ng pagpatay at pagpapahirap...
hindi ko alam kung kelan ako makakaalis sa lugar na ito... ngunit
nararamdaman ko na darating ang oras na iyon... na babalikan ako ng
misteryosong nilalang na iyon at ililigtas mula sa kinasasadlakan ko....
More summaries about the May pag- asa pa ako