ma,patawad po sa lahat ng mga kasalanang nagawa
ko sayo,sa nga maling desisyon na ginawa ko na alam ko na kaya ko pero,hindi pala.alam mo na mahal na mahal kita di ko
lang alam kung paano ko ipapakita lalo na ngayon sa panahong ito kasi kahit
ako hindi ko po alam kung ano
ang ang gusto ko,hindi? ma,alam kong napakabuti mong nanay dahil alam ko po
yung gusto ninyo ang mapabuti kaming nga anak ninyo lalo na ako at nagpapasalamat po ako sa diyos dahil kayo ang naging nanay ko at maraming salamat po sa lahat ng ginawa mo sa akin.ang pagkakamali ko lang hindi po ako nag-isip ng mabuti,ang inisip ko lang po kase ang mapagbigyan ang gusto ninyo pero mali pala kase ngayon pare pareho tayong nahihirapan!ma,kung sakaling magkakalayo man tayo ngayon hindi po ibig sabihin nun na hindi ko po kayo mahal sana huwag ka mag-isip ng ganoon ha!Pero isa lang po papangako ko sa iyo sisikapin ko pong matutong tumayo sa sarili kong paa at sisikapin ko rin pong mabuhay mag-isa hinding-hindi po ako magiging pabigat sa inyo tulad ng mga kapatid ko.MA,sana maintindihan mo po ako kahit ngayon lang...sa ngayon hindi ko po hinihingi yung mapatawad mo ako pero sana balang araw dumating yung panahong na yoon na mapatawad mo ako!ako parin yung bunso mo mama na nangako sa iyo dati na pagmatanda kana ako yung mag-aalaga sa iyo,diba!...kaya nga po ayoko rin mag-anak kahit kaylan kase kahit sa ganoon paraan lang makabawi naman ako sa mgakasalanan ginawa ko sa iyo ito naman po yoong pangakong hinding-hindi ko sisirain mahal na mahal ko po kayo mama mali yung iniisip mo na hindi kita mahal...
More reviews about the melogen26@yahoo.com